Monte maria, Batangas city

Isa ang Monte Maria Shrine sa mga dinarayo ng mga deboto upang magnilay-nilay dito sa Batangas. Matatagpuan ito sa isang bahagi ng burol sa  Brgy. Pagkilatan, Batangas City kung saan nakatayo ang 63 metrong taas na imahe ng Birheng Maria.

Nakakamangha ang kaniyang pang bihirang taas tapos napakaganda pa ng lugar na ito Matatanaw mo mula dito ang Verde Island Passage gayon din ang entrada ng Batangas Bay kung saan dumadaan ang mga sasakyang pandagat mula sa timog katagalugan at mga sasakyang pandagat ng mga dayuhang mangangalakal.

Matatanaw mo mula dito ang Verde Island Passage gayon din ang entrada ng Batangas Bay kung saan dumadaan ang mga sasakyang pandagat mula sa timog katagalugan at mga sasakyang pandagat ng mga dayuhang mangangalakal.

Paano pumunta sa Monte Maria mula sa Tambo Exit:

  • Sumakay ng bus patungong Batangas City Grand Terminal .
  • Pagdating sa Batangas City Grand Terminal, hanapin ang pila ng jeep patungong alangilan. Magtanong kung alin ang dadaan ng UB at sumakay patungo sa UB.
  • Bumaba sa University of Batangas at sumakay ulit ng jeep biyaheng kapitolyo upang makarating ng SM City Batangas.
  • Pagdating sa SM City Batangas ay hanapin ang pila ng jeep patungon Ilijan at mula duon ay makakarating ka na sa Monte Maria.

Option 2:

  • Sumakay ng bus patungong Batangas City Grand Terminal .
  • Pagdating sa Batangas City Grand Terminal, hanapin ang pila ng jeep patungong Balagtas. Magtanong kung dadaan ito sa SM City Batangas.
  • Pagdating sa SM City Batangas ay hanapin ang pila ng jeep patungon Ilijan at mula duon ay makakarating ka na sa Monte Maria.

Leave a comment